Iniulat ng Philippine National Police na umabot na sa 72 ang bilang ng mga biktimang nasawi mula sa pagkalunod at aksidente sa kalsada noong panahon ng paggunita ng Semana Santa.
Ayon sa pulisya, naitala ang mga ito sa mga lalawigan ng Ilocos, Cagayan, Central Luzon, at Calabarzon.
Sa datos, aabot sa 11 vehicular accidents ang naitala sa bansa at apat dito ay mga nasawi.
Habang aabot naman sa 57 mga insidente ng pagkalunod ang naitala, kung saan 62 mga biktima nito ang hindi rin nakaligtas pa.
Kaugnay nito ay patuloy naman ang pagpapaalala ni PNP chief PGen Rodolfo Azurin Jr. sa lahat ng mga turista at motorista na magdoble ingat sa pag o-obserba ng mga traffic rules at speed limits upang maiwasang madawit sa mga vehicular accidents.
Bukod dito ay pinayuhan din ni Gen. Azurin ang publiko na bantayang maigi ang mga bata tuwing family outings, at iwasan din aniya ang paglalasing habang nagsu-swimming upang maiwasan naman ang mga insidente ng pagkalunod.