Nagpasya na si France Prime Minister Edouard Philippe na buksan na ang ilang mga bars at restaurant sa Hunyo 15.

Sinabi nito na sa nasabing pagluluwag ay may mga ipapatupad pa rin sila ng panuntunan.

Kailangan lamang ay hindi lagpas sa 10 katao ang magkakasama.

Dapat lamagn sa labas ng terraces ng mga restaurant papayagang kumain at uminom ang mga customers.

Magugunitang mahigit 28,000 na ang nasawi sa France matapos dapuan ng coronavirus.

Dapat rin na magsuot ng facemasks ang mga staff at mga customers ng mga restaurants.