Pagbabawalan na ng European Union (EU) ang mga biyahero na galing sa ibang mga bansa sa loob ng 30 araw.

Ang nasabing paraan ay para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Epektibo ito sa 26 na EU states gaya ng Iceland, Liechtenstein, Norway at Switzerland.

Ang nasabing ban ay ipinatupad dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang kaso ng COVID-19 sa Italy, Spain at France na itinuturing ng ilang mga eksperto na epicenter na ngayon matapos ang China.