ILOILO CITY – Plano ng Iloilo City Government na magrenta ng refrigerated vans upang lagyan ng bangkay ng mga COVID-19 patients matapos pansamantalang itinigil ang cremation sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na wala nang ibang magagawa ang lungsod dahil puno na rin ang mga sementeryo.
Inamin rin ng alkalde na hindi makakapasa sa mga rekisito ng Department of Health ang paglibing sa mga bangkay ng COVID-19 positive dahil kailangan na malayo sa residential area ang burial site ng nga namatay sa virus.
Napag-alaman na dalawang linggo na itinigil ang cremation sa Panay dahil sa pagkumpulan ng mga bangkay sa nag-iisang crematorium sa Iloilo City na accredited ng Department of Health.