-- Advertisements --

MANILA – Nakapagtala muli ang Pilipinas ng higit 3,000 na bagong tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19), kaya naman sumipa pa sa 607,048 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ngayong araw, nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 3,749. Ito na ang pinakamataas mula sa 3,769 na bagong kasong naitala noong September 19, 2020.

“4 labs were not able to submit their data to the COVI-19 Document Repository System on March 10, 2021,” ayon sa DOH.

Tumaas din ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling sa 47,769, na pinakamataas mula noong Oktubre.

Sa ngayon nasa 91.6% daw ng mga nagpapagaling ang may mild na sintomas, 4.4% na asymptomatic, 1.6% na mga severe at critical, at 0.77% na mga moderate cases.

Nadagdagan naman ng 406 ang total recoveries na nasa 546,671.

Habang 63 ang bagong naitalang namatay, para sa 12,608 na total deaths.

“9 duplicates were removed from the total case count. Of these, 4 are recoveries. Moreover, 24 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, posibleng nakakaapekto sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ang natukoy na mga kaso SARS-CoV-2 variants.

“But it’s how well we practice MPHS (minimum public health standards) that determines if we are at risk of getting exposed and infected.”

Simula noong Disyembre, pinalakas ng gobyerno ang genomic biosurveillance matapos madiskubre sa United Kingdom ang bagong variant ng SARS-CoV-2 na B.1.1.7.

Noong una, ang samples lang nga mga pasahero na galing sa mga bansang may UK variant case ang isinasailalim sa whole genome sequencing. Pati na ang mga inimbak na samples ng mga positibong kaso noong Oktubre at Nobyembre.

Pero hindi kalaunan ay pinalawak ito pati sa mga lugar na may matataas na insidente ng hawaaan ng COVID-19.

“We also have to understand that there is a turnaround time between testing, sequencing and the release of whole genome sequencing results. Samples are carefully selected to provide the best yield of the sequencing efforts, thus, not all RT-PCR positive samples qualify for WGS, and it takes about a week to complete WGS,” ani Vergeire.

“Selection alone to see if the RT PRC samples are viable (CT threshold below 30), arranging transportation, and other operational concerns also take time. But we are doing the best we can to facilitate this WGS where it is needed the most.”

Batay sa huling tala ng DOH, mayroon ng 118 cases ng UK variant at 58 kaso ng South African variant.