Malaki umao ang naitutulong ng mga bagong binili na S-70is Blackhawk utility medium-lift helicopters pagdating sa operational readiness ng Philippine Air Force (AFP) sa combat at non-combat missions nito.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Lorenzana na ang naturang mga helicopters ay may mas malaki na kapasidad at impressive horsepower nito.
Kaya naman inaabangan na rin aniya nila ang pagdating ng 10 pang Blackhawks ngayong taon.
Ayon sa Philippine News Agency, na-commission na ng PAF ang unang anim sa 16 Polish-made Sikorsky S-70i Black Hawk helicopters na binili nito noong 2019.
Ang natitirang 10 units ay inaasahan na darating sa bansa sa unang quarter ng 2021.
Binili ng pamahalaan ang mga helicopters na ito sa ilalim ng $241.5 million government-to-government contract sa Poland.
Bahagi ito ng Horizon 2 phase ng Revised Armed Forces of the Philippines modernization program.