CAGAYAN DE ORO CITY – Magkahalong pamamaraan ang ginawa ng mga residente ng Japan para labanan ang Coronavirus Disease (COVID-19).
Iniulat ni Bombo Radyo international correspondent Genevieve Carbajal na nakabase sa Niigata Ken, Japan na nagkakaubusan na rin sa kanilang lugar ang suplay ng face mask, alcohol at tissue.
Aniya, nililimitahan na rin sa mga tindahan ang pagbili ng mga ito lalo pa’t nagpa-panic buying na ang mga residente.
Dagdag pa ni Carbajal, dahil sa kawalan ng suplay ng alcohol, ginawang alternatibo ng mga Hapon ang mga alak na panlaban sa virus.
Pinag-i-spray ng mga residente ng vino ang kanilang buong bahay kung kaya’t fast selling na naman ang mga liquor sa kanilang lugar.
Kinumpirma din ni Carabajal na isang lalaki ang nagpositibo sa kanilang lugar matapos itong nagbakasyon sa Tokyo, Japan.