Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na kung hindi magbabago ang mga datos at patuloy sa pagbagal ng pagkalat ng COVID-19 at mayrron pang kapasidad ang gobyerno na magbigay ng critical care, posibleng general community quarantine (GCQ) na mula enhanced community quarantine (ECQ) ang direksyon sa Metro Manila.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, naniniwala silang napa-flatten na ang curve sa COVID-19 at magandang indikasyon ito lalo ang mataas na bilang ng mga recoveries.
Kaya nakikiusap umano sila sa lahat na habang papalapit ang May 15, manatili lang sa mga bahay para hindi na mahirapang magdesisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) na baguhin ang ECQ lalo sa Mtero Manila.