-- Advertisements --

Malaki pa rin ang tyansang manatili sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, sa kabila ng paminsan-minsan ay mataas pa ring bilang ng mga nadadagdag na kaso ng COVID-19.

Ang Metro Manila ay may 12,916 total cases, 763 deaths at 3,716 recovered.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, bagama’t walang nakikitang pagbaba ng bilang ng infected, todo naman ang inisyatibo ng mga otoridad para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Ang mahalaga aniya ay sabay na matutukan ang pagbabantay laban sa COVID-19 at ang pagbuhay sa ekonomiya.

“We were doing OK, but because we eased up… the numbers rose,” wika ni Año.

Pero kung si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tatanungin, mas gusto umano nitong modified general community quarantine (MGCQ) o mas maluwag na sitwasyon, kung saan maraming aktibidad ang mapapayagan, kaakibat ng minimum health standard.