-- Advertisements --

Nakalabas na ng Philippine National Police (PNP) General Hospital si dating Public Works and Highways Secretary Manuel “Manny” Bonoan.

Kasunod ito sa paglabas ng kautusan mula sa Fifth Division ng Sandiganbayan.

Dakong alas-10:30 ng umaga ng nakalabas sa PNP-GH ang dating Kalihim at ito ay ipinasakamay ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region sa pamilya nito bago tuluyan silang nakalabas sa Camp Crame ng 10:35 ng umaga.

Noong pang Hunyo kasi ay nasa kustodiya na si Bonoan ng PNP General Hospital matapos na makaranas siya ng ilang mga karamdaman.

Magugunitang noong Martes, Setyembre 1 ay pinayagan ng Fifth Division na ibasura na ang gratf at plunder case laban kay Bonoan.

Ang nasabing hakbang ay isang paraan para gawing state witness si Bonoan sa flood control scandal.