LAOAG CITY – Inamin ng 16-anyos na out of school youth ang pagbebenta nito ng iligal na marijuana sa otoridad na nagpanggap na bibili ng iligal na druga kung kaya’t nahuli ito sa operasyon sa Brgy. 6 Tonoton, Piddig, Ilocos Norte.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag sa binatilyo, inamin din na gumagamit ito ng marijuana.

Sinabi nito na kumukuha sa kanyang kabarkada ngunit hindi alam ang tirahan nito.

Nabatid na pay dati nang kaso ang binatilyo hinggil sa pagnanakaw at Top 10 sa drug watchlist ng Regional level.

Nakumpiska ng mga otoridad ang dalawang supot na naglalaman ng dried marijuana leaves, may bigat na 31.6 grams at nagkakahalaga ito ng 9,762 pesos.