Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque sa publiko na mananatiling intact at protektado ang kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kahit pa ito ay buwagin o magkaroon ng reorganisasyon.
Sinabi ni Sec. Roque, sakali mang bubuwagin o i-privatize ang PhilHealth dahil sa korupsyon, hindi papayagan ng pamahalaan na mawala ang mga contributions, bagkus, mapapabuti pa ito.
Ginawa ni Sec. Roque ang pahayag nang matanong kung ligtas pa bang ipagpatuloy ng mga miyembro ang pagbabayad ng kontribusyon sa gitna na ng panukalang pagbuwag na ito o pangasiwaan na ng pribadong sektor.
Una ng binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte si bagong PhiHealth President/CEO Dante Gierran ng ultimatum na hanggang Disyembre para linisin ang PhilHealth mula sa korupsyon.