DAVAO CITY – Sa gitna ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod, naghahanda ngayon sa posibling mangyari na mega surge sa transmission ng virus kasabay ng Lenten season.
Ayon pa kay Davao City Covid-19 Task Force Focal Person Dr. Ashley Lopez, na gumagawa sila ngayon ng contingency plan kung sakaling mangyari sa lungsod sa NCR at Cebu.
Kabilang umano sa contingency plan ay ang paghahanda ng temporary treatment and monitoring facilities (TTMF), isolation at quarantine facilities, staffing at panawagan sa mga pribadong ospital na makiisa at magdagdag ng hospital beds para sa mga COVID-19 patients.
Nagsimula na ngayon ang Task Force sa pagpapatupad ng Expanded Mandatory Testing sa lahat ng mga close contacts ng Covid-19 positive patient.
Nabatid na bumaba ngayon ang kaso ng COVID-19 sa nakaraang 14 na araw.
Sinabi rin ng opisyal na maramong testing ang isasagawa sa lungsod at maraming Task Force ang maka-assess sa COVID-19 situation sa lungsod.
Maliban sa expanded mandatory testing, hinigpitan pa ngayon ng Task Force ang case finding at influenza-like illness (ILI) pati na ang acute respiratory infections (ARI) surveillance.
Nanawagan na lamang ang opisyal sa mga dabawenyo na kung makaranas ito ng sintomas na pareho ng covid-19 mas mabuting pumunta agad ito sa District Health Office at magpa-schedule ng swab testing.