-- Advertisements --

Pabor si House impeachment spokesperson Atty. Antonio Audie Bucoy sa pahayag ng business community na kailangang mapabilis ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya at kumpiyansa ng mga mamumuhunan. 

Sinabi ni Atty. Bucoy na maaaring maapektuhan ang investor confidence kung masyadong matatagalan ang proseso ng impeachment. 

Paliwanag pa nito na habang naaantala ang paglilitis, lumalaki ang pagkadismaya ng publiko na nagnanais ng malinaw na tugon at katotohanan sa mga alegasyong kinahaharap ng Pangalawang pangulo. 

Nakaaapekto rin sa iba pang tungkulin ng mga mambabatas, partikular sa pagbuo at pagpasa ng mahahalagang panukalang batas ang pagkaantala ng impeachment proceedings