-- Advertisements --
Inihahanda na ng Department of Transportation (DOTr) ang pamamahagi ng fuel subsidies sa mga naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, na nagbigay na ng go-signal ang Department of Energy (DOE) na gamitin ang P2.5 bilyon fuel subsidy mula sa 2025 national budget.
Mayron na silang mga mekanismo na inaayos kung saan kapag nagtuloy-tuloy ang taas presyo ng mga produktong langis ay agad nilang ipapamahagi ang fuel subsidy sa mga transport sectors.
Giit pa ng kalihim na kapag mayron ng fuel subsidy ay hindi na kailangan pa ang pagkakaroon ng taas pasahe.