-- Advertisements --

Ipinaalala ng Manila International Airport Authority sa mga pasahero na mayroong libreng inter-terminal shuttle sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa MIAA na ang lbreng shuttle ay umiikot sa tatlong NAIA terminals.

Madali lamang aniya itong makita sa mga arrival bays ng paliparan.

Ang nasabing pagpaalala ay kasunod sa insidente ng mga labis na paninigil ng mga taxi drivers sa pasahero na lumilipat sa mga airport terminals.

Tiniyak naman ni MIAA General Manager Eric Ines na kanilang iniimbestigahan na ang nasabing insidente.