-- Advertisements --

Isasagawa sa pamamagitan ng video conference ang “virtual” ang pakikipagpulong mamaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ito ay matapos magpositibo muli sa COVID-19 si Interior Sec. Eduardo Año.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan kasi na pangalagaan ang kalusugan ni Pangulong Duterte.

“Nakagawian na po natin na bago po magtalumpati ang Presidente sa taumbayan ay magkakaroon po tayo ng pagpupulong. Magkakaroon po ng pagpupulong ang Presidente sa ilang miyembro ng Gabinete at ng IATF. Tuloy pa rin po ito bagama’t this will be a virtual conference dahil minabuti nga po namin na dahil nga po nagpositibo ang isa sa amin na pag-ingatan po ang kalusugan ng Presidente. Virtual meeting po ang mangyayari mamaya pero televised address po ang magiging mensah ng ating Pangulo mamayang gabi,” ani Sec. Roque.

Umuwi ng Davao City si Pangulong Duterte noong Agosto 3 bago ang implementasyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.