250px Ph locator leyte san isidro

TACLOBAN CITY – Maswerteng nakaligtas sa kapahamakan ang isang mayoralty candidate sa bayan ng San Isidro, Leyte matapos na tambangan ang sinasakyan nito.

Kinilala ang biktima na si Emmanuel Veloso, tumatakbong alkalde sa naturang bayan kasama ang driver nito na si Richie Reubal.

Ayon kay SPO1 Ronante Cardelosa, duty investigator ng San Isidro PNP, pauwi na sana ang mga ito nang bigla na lamang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects na nasa kanilang harapan ang Toyota Hilux ng tumatakbong alkalde.

Kaagad namang tumakas ang suspek matapos ang naturang insidente.

Tinitingnan namang anggulo ng mga kapulisan ang kaugnayan sa politika lalo pa 10 araw na lamang ay halalan na.