DAVAO CITY – Wala umanong planong dumalo si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes, Hulyo 27.
Ayon kay Mayor Inday, iniiwasan niyang sumailalim sa RT-PCR test na isa sa mga requirement ng mga pasahero kung manggagaling ito sa Manila at babalik sa lungsod.
Ayaw din daw ng alkalde na muling sumailalim sa 14 day quarantine kung uuwi siya sa Davao mula Manila.
Una niyang naranasan ang proseso nang magpositibo si Sen. Sherwin Gatchalian na kanyang nakasalamuha noong bumisita siya sa Manila kamakailan.
Nanawagan na lamang si Mayor Inday sa publiko na tugaygayan ang SONA kahit sa telebisyon lamang para malaman ang mga accomplishment at iba pang plano ng administrasyon bago matapos ang termino.