LA UNION – Namigay si San Fernando City Mayor Dong Gualberto ng maagang pamasko sa dalawang centenarian sa syudad ng San Fernando.

Mismong si Mayor Dong ang bumisita at nag-abot ng cash gift na nagkakahalaga ng P100-k na may kasamang felicitation letter para sa dalawang lola na benepisaryo.

Ang dalawang centenarian ay sina: Lola Belen Ayson mula Brgy. Dalumpinas Oeste na ipinagdiwang ang ika-100 taon nito noong Enero 23 at si Lola Petra Pulido ng Brgy. Pagdaraoan na ipinagdiwang naman ang ika-100 taon noong Pebrero 12 sa kasalukuyang taon.

Kasabay ng pagbisita ng alkalde sa bahay ng mga benificiaries ay ang mahigpit na pagtupad sa mga health at safety protocols laban sa COVID 19.