Kinumpirma ng Department of Justice (DoJ) na may isa ng banyagang nakalabas sa bansa na nakinabang sa good conduct time allowance (GCTA) law.
Taliwas ito sa unang pahayag ng DoJ na base sa report ng Bureau of Immigration (BI) na wala pang nakalabas na convict na nabigyan ng GCTA.
Pero ayon kay DoJ Usec. at Spokesman Markk Perete, ang naturang banyaga ay pinauwi na sa kanilang bansa matapos ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI).
Pero ang naturang banyaga ay hindi raw kasama sa apat na Chinese drug lords na napalaya dahil sa GCTA.
Dagdag ni Perete, ido-double check pa niya kung ano ang kaso ng naturang banyaga na dahilan ng kanyang pagkakakulong.
Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang kinaroroonan ng
nasa 128 convicts kabilang na ang mga may kaparehong pangalan na subject ng GCTA.