-- Advertisements --

Namayagpag si Luka Doncic at nagtapos sa laro na may 31 points at nagtala ng kaniyang ikalawang sunod na triple-double para sa tagumpay ng Dallas Mavericks laban sa Oklahoma City Thunder sa score na 104-92 sa Game 5 ng Western Conference.

Si Doncic na naglalaro sa kabila ng injuries sa playoffs, ay mayroon ding nagawang 10 rebounds at 11 assists nang kunin ng Dallas ang 3-2 series lead.

Umiskor naman si Derrick Jones Jr. ng 19 points at may 10 puntos naman si P.J. Washington na may 10 rebounds sa panalo.

Nagdagdag si Dereck Lively ng 11 puntos at 10 rebounds mula sa bench, habang nagbuslo si Kyrie Irving ng 12 puntos.

Ang Games 6 ay nakatakdang gawin sa Texas sa darating na Sabado.