-- Advertisements --

Inaasahang makararanas ng maulap na papwirin at kalat-kalat na pag-ulan ang Mindanao at Eastern Visayas ngayong Linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa state weather bureau, bahagyang humina ang southwest monsoon o habagat, habang dalawang weather system naman ang kasalukuyang nakaapekto sa bansa, ito ang intertropical convergence zone (ITCZ) at ang easterlies.

Samantala, ang easterlies ay magdadala ng magandang panahon sa ibang bahagi ng bansa, bagamat may posibilidad ng mga thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi.

Wala namang namataang low-pressure area o bagyo sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility ang Pagasa, at maliit ang tiyansa ng pagbuo ng tropical cyclone sa mga susunod na araw.

Wala ring gale warning na inilabas sa alinmang baybaying-dagat sa bansa.