-- Advertisements --
May diskarte ng ipapatupad ang Toronto Raptors para maitabla sa 1-1 ang laban nila ng Milwaukee Bucks sa Eastern Conference Finals.
Ilan sa mga ipapatupad na laro ay ang matinding depensa para hindi na maulit ang pagkatalo ng Raptors sa 100-108 noong Game 1.
Sa unang quarter kasi ay hawak ng Raptors ang kalamangan 34-23 hanggang sa pagpasok ng last quarter 83-76 subalit lumawag ang kanilang depensa kaya nakahabol ang Bucks.
Lumabas din ngayon sa betting odds sa Amerika na dehado pa rin ang Raptors dahil sa homecourt ng Bucks gagawin ang Game 2.