-- Advertisements --

Napatay ng hinihinalang airstirke ng Israel ang isa sa mga commander ng Lebanese group na Hezbollah.

Si Wissam Tawil ay miyembro ng elite group na Radwan Force ay kabilang na nasawi sa southern Lebanon.

Iginiit ng Israel Defense Forces na ang napatay nilang opisyal ng Hezbollah ay siyang nasa likod ng pagpapalipad ng rockets ng Hamas militants mula sa Syria.

Halos araw-araw ay nagpapalitan ng putok ang mga Israel at Hezbollah sa kanilang mga border.

Nagdulot ito ng pagkabahala sa ibang mga bansa dahil sa pangamba ng pagkalat ng nasabing kaguluhan ng Israel at Hamas sa kalapit na bansa.