Ipinatupad na sa England ang mataas na multa para sa COVID-19 positive patient na hindi nag-iisolate.

Sa nasabing bagong batas, may multang mula £1 £10,000 o katumbas ng mahigit P630,000.

Ang hakbang ay kasunod ng 18% lamang na mga taong mayroong sintomas ng COVID-19 ang sumailalim sa isolation.

Ang nasabing batas ay para sa mga tao na nagpositibo sa coronavirus na sinabihan na ng National Health Service Test and Trace na mag-self-isolate.
Kasama ring pagmumultahan ang mga magsisinungaling sa mga kanilang naging close contacts.

Babayaran naman ng gobyerno ng £500 ang mga empleyado na hindi makapagtrabaho dahil sa pag-self-isolate.

Tiniyak din ng gobyerno na hindi mauubusan ng suplay ng mga personal protective equipments para sa mga frontline workers.