-- Advertisements --

Muling nag-abiso ang Department of Science and Technology (DOST) ng mataas na heat index ngayong araw sa ilang lugar sa ating bansa.

Kabilang sa mga lugar na makakaranas umano ng matinding alinsangan ang Metro Manila na may 42 degrees Celsius, Palawan na may 45 degrees Celsius, Camarines Sur na posibleng makapagtala ng 44 degrees Celsius, Masbate na may 43 degrees Celsius, Capiz na may 44 degrees Celsius at Cotabato na magkakaroon naman ng 42 degrees Celsius.

Maliban dito ay mainit na panahon din ang aasahan sa malaking bahagi ng bansa.

Gayunman, posibleng makaranas ng mga biglaang buhos ng ulan sa ilang lugar dahil sa isolated thunderstorm, kung saan maaaring makapagtala ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Pero nilinaw ng mga eksperto na walang umiiral na sama ng panahon sa loob ng bansa o maging sa alinmang parte ng Philippine area of responsibility.