-- Advertisements --

KORONADAL CITY -Magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Task Force Covid sa lalawigan ng North Cotabato dahil sa usapin ng breach of protocol.

Ayon kay North Cotabato 2nd District Board Member Philbert Malaluan, nilabag ng 19 anyos na estudyante na positibo rin sa kaso ng covid-19 ang mga protocols nang sumakay ito sa ambulansya papunta sa bayan ng M’lang mula sa Davao City at hindi man lang sinita sa checkpoint.

Maliban dito, iniimbestigahan rin nila ang alegasyong lumabas umano ito sa bahay at naglaro pa ng basketball.

Nakahanda naman ang M’lang LGU na sumailalim sa naturang imbestigasyon upang hindi makompromiso ang kaligtasan ng lahat.