Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na ang mahigpit na batas sa pagmamay-ari ng baril ang dahilan kung bakit wala pang insidente ng mass shooting sa Pilipinas.
Ang pahayag ng PNP chief ay kasunod ng naganap nitong weekend na mass shootings sa Amerika kung saan hindi bababa sa 22 ang patay sa Texas, at siyam naman ang casualties sa labas ng bar sa Ohio.
Ayon kay Albayalde, may psychological problem ang mga responsable sa naturang mga mass shooting.
Giit ni Albayalde, dito sa Pilipinas ay maingat ang mga otoridad sa pagsiguro ng katinuan ng mga gun owners dahil bukod sa lisensya ng baril ay kailangan ding may hawak na License to Own and Posses Firearms (LTOPF) ang isang gun-owner.
Nangangahulugan ito na sumasailalim sa neuropsychiatric tests ang mga gun owners at mayroon pang background investigation na ginagawa ang PNP bago aprubahan ang kanilang LTOPF.
“Well number 1 we have a very strict firearms law. We undergo neuropsychiatric tests, meron na rin background investigation. Remember years back naging very strict na tayo meron na tayong LTOPF ngayon hindi ba, dati wala tayong LTOPF puro license lang kaya nakita rin natin na siguro dati may mga butas doon sa mga pag own ng firearms, kaya binago natin yung firearms law natin,” ani Albayalde