Asahan ang mas malakas at mas matatag na ekonomiya sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni Executive Secretary Ralph Recto, dahil sa mababang inflation at pinaigting na pamamahala.
Kasunod ng pagbaba ng inflation sa 1.5% noong Nobyembre at 1.6% year-to-date, na tumulong mapanatili ang ‘BBB+’ rating ng bansa.
Sinabi ni Recto na ang mababang presyo, matatag na labor market, at mas maluwag na polisiya ng BSP ay magpapalakas sa konsumo.
Tinutugunan din ng economic team ang mga hadlang sa pamumuhunan, kabilang ang suspensyon ng BIR field audits, at maglulunsad ng mga bagong inisyatiba lalo na sa agrikultura.
Pinaigting rin ang transparency, kabilang ang aksyon laban sa flood control anomaly, pagbawi ng PHP 38.2M at PHP 110M mula sa mga opisyal na sangkot, at pagyeyelo ng PHP 13B assets.
Lalakas pa ang ekonomiya sa pagpapatupad ng mga repormang pang-investor tulad ng PPP Code at CREATE MORE Act.
Tiniyak ni Recto na ang PHP 6.793-trilyong badyet sa 2026 ay tutok sa edukasyon, agrikultura, kalusugan, at social services.
















