Papayagan na rin ng Land Transportation Frannchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng mas marami pang unit ng bus sa National Capital Region (NCR) sakaling ilagay na ang Alert Level 1 status sa Metro Manila.
Base sa LTRFB Memorandum Order Number 2022-023 o ang Resumption of Operations of Provincial Public Utility Buses (PUBs) on Inter-regional Routes during Community Quarantine, bilang paghahanda sa pagbaba sa Alert Level 1 ng bansa kaugnay ng pandemya.
Nakasaad ditong ang lahat ng PUB Operator na may valid at umiiral na Certificate of Public Convenience (CPC) (kabilang ang mga may expired na CPC ngunit may inihain na Application for Extension of Validity bago ang expiration nito), Provisional Authority (PA) at Special Permits, ay papayagang muling mag-operate sa ilalim ng Alert Level 1.
Nakasaad din na ang mga rutang Inter-Regional touching at not touching Metro Manila, kasama ang mga ruta ng provincial commuter na nagmumula sa Region 4-A CALABARZON na dating may Cubao endpoint, na kalaunan ay inilipat sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), ay muling papayagan nang bumalik sa orihinal nitong terminal – Araneta Bus Terminal, Cubao via C5.
Nais bigyang linaw ng ahensya, na ang pinapayagang bumalik sa Araneta Bus Terminal, Cubao ay ang mga dati ng provincial commuter routes o may pre-covid routes na ang endpoint ay Araneta Bus Terminal, Cubao.
Ito ay hango sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2022 – 051, na nagsasaad na ang mga ruta na pinapayagan ay kinakailangang may at least 80 km distance o hindi tataas sa 2 hours na byahe.
Samantala ang mga provincial commuter routes na may pre-covid endpoint sa Buendia, Makati, Pasay, at Manila ay mananatili pa rin ang endpoint sa PITX, kabilang ang mga nagmumula sa malayong bahagi ng South Luzon katulad ng Quezon, Region 4-B MIMAROPA at Bicol kahit na ito ay may pre-covid na prangkisa na may endpoint sa Cubao.
Paalala sa mga PUB operator, kinakailangang mag-secure ng QR Code sa bawat awtorisadong unit na imamaneho bago ang operasyon.
Ito ay ma-do-download sa www.ltfrb.com.ph, at dapat i-print sa sukat na (8.5″×11″ short bond paper) at ipaskil sa front windshield (nang hindi naaapektuhan ang view ng driver sa pagmamaneho).
Sa mga nais naman bumiyahe, paalala pong muli na kailangang sundin ang ating mga health and safety protocols para sa ligtas na byahe.