-- Advertisements --

Mas niluwagan pa ng Inter Agency Task Force (IATF) ang protocol para sa mga gustong mamasyal sa isla ng Boracay.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mula sa dating 48 hours na pagsusumite ng resulta ng swab test ay ginawa na ngayong 72 oras.

Ito ay para na rin sa layunin ng pamahalaan na makapag-imbita ng mas marami pang local tourist na bumisita sa sikat na isla.

Sa ngayon ay limitado pa rin ang mga bisitang pumapasok sa Boracay matapos muling buksan noong Oktubre 1.