-- Advertisements --

Tiniyak ng liderato ng Kamara na kanilang prayoridad sa ngayon na maibigay sa lalong madaling panahon ang supplemental budget para sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay Majority Leader Martin Romualdez, bibilisan nila ang pag-apruba sa P30 billion supplemental budget na hiling mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga nasalanta ng naturang kalamidad.

Sa katunayan, bukas din aniya ang House leadership na taasan pa ang naturang halaga ng hanggang P50 billion kung kakailanganin.

“The House is committed to show ‘malasakit’ and provide families displaced by the explosion of Taal Volcano long-term and permanent solutions to their woes,” ani Romualdez.

Dagdag nito na makikipag-ugnayan ang Kamara sa Palasyo para sa buong detalye ng supplemental budget na request ng Pangulo.