Inaasahan ng Department of Budget and Management (DBM) na lalakas pa ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang bahagi ng 2025 sa pamamagitan ng mas epektibong paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Noong Huwebes, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, inatasan na ang mga ahensya na magsumite ng catch-up plans matapos maantala ang expenditures noong second quarter dahil sa election-related spending ban.
Bagama’t lumago ng 5.5% ang ekonomiya sa ikalawang quarter, bumagal naman ang government spending na may 8.7% kumpara sa mas mataas na antas noong nakaraang taon.
Umakyat naman sa P578.2 billion ang kabuuang disbursement ng gobyerno noong Mayo, ngunit naapektuhan pa rin ito ng mababang infrastructure spending.
Paalala naman ng DBM na ang mga ahensyang may mababang budget utilization — mas mababa sa 50% ay kailangang magsumite ng detalyadong catch-up plans, kung saan ilalahad ng mga ito ang dahilan ng mabagal na implementasyon.
Sa kabuuan, umabot sa 99% ang cash utilization rate ng gobyerno hanggang noong Hunyo, gamit ang P2.463 trillion mula sa halos P2.5 trillion budget.