-- Advertisements --

Suportado ni Marshall Islands President Hilda C. Heine ang Pilipinas sa isyu nito hinggil sa West Philippine Sea partikualr ang ginagawang paglusob at pangha-harass ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ginawa ni President Heine ang pahayag ng mag courtesy call ito kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., kahapon sa Palasyo ng Malakanyang.

Nagpahayag ng pagkabahala si Heine sa pagiging agresibo ng China sa West Phl Sea.

Hinimok ni Heine si Pangulong Marcos na ikonsidera ang pakikipag-ugnayan sa Pacific Islands Forum (PIF).

Kinukunsidera din ng Pilipinas ang PIF bilanga mahalagang platform para paigtingin ang kooperasyon sa Pacific Island Countries.

Tiniyak naman President Heine kay MArcos Marcos tutulungan nito ang Pilipinas sa anumang desisyon ng Pilipinas na may kaugnayan sa PIF.

Nakahanda din ang Marshall Islandes na magbigay suporta sa Pilipinas sa regional and international area.

Lubos naman nagpasalamat si Pang Marcos kay Heine sa suporta nito sa bansa partikular sa WPS.

Nuong 2023 ang kabuuang kalakalan na pinasok ng Pilipinas sa marshall islanda ay umabot sa US $36 million, exports valued nasa US$3.5 million at imports nasa US$32.4 million.

Nasa 1,500 Filipinos ang nagta-trabaho sa Mashall Islands.