-- Advertisements --
image 490

Itinanggi ng Maritime Industry Authority National Capital Region (Marina-NCR) na nag-isyu ito ng amended Certificate of Public Convenience (CPC) para makalayag ang oil tanker na MT Princess Empress bago ito lumubog na nagdulot ng malawakang oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Marina NCR Director Marc Pascua na hindi totoo ang naturang dokumento at wala itong nilalagdaan na anumang certificate para partikular na vessel.

Ang Certificate of Public Convenience (CPC) ay iniisyu ng Marina sa mga barko para sa commercial o public use.

Paliwanag ni Pascua na mayroon lamang silang screening application dahil ang pag-isyu aniya ng isang inamyendahang certificate of public convenience ay kinakailangan ng partikular na mga proseso.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Department of Transportation kung peke nga ang naturang cerificate.