-- Advertisements --

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa hanay ng pulisya na tumulong at makipagkaisa sa muling pagpapaunlad at pagbangon ng ating bansa.

Ipinahayag ito ng pangulo sa kaniyang naging talumpati sa pagdalo ng ika-121st Police Service Anniversary sa Camp Crame nitong araw ng Lunes.

Dito niya hiniling sa buong kapulisan na suportahan ang liderato ng PNP sa adbokasiya nito laban sa mga grupong nais maghasik ng kaguluhan sa Pilipinas.

Bukod dito ay sinabi rin ni Marcos Jr. na dapat din hikayatin ng PNP ang publiko na makiisa at tumulong upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bansa para kaunlaran ng ating bayan.

“I enjoin all of you to give it your best as you always have without sacrificing your integrity as servants of the people. Let us be united in supporting the PNP leadership and its crusade against those who intend to inflict harm and disorder within our midst. Let us actively engage the public in the collective effort toward maintaining law and order so that we can all enjoy the gains that accompany development and growth.”

Samantala, umaasa naman si PBBM na magiging katuwang ng kaniyang administrasyon ang PNP para naman sa pagbabago at disenteng buhay na hangad niya para sa ating mga kababayan.

Kasabay nito, nagpaabot din ng pasasalamat si President Marcos Jr. sa buong hanay ng pulisya dahil sa tapat na paglilingkod nito sa ating bansa.

Pagkatapos ng event sa Camp Crame ay agad namang dumiretso sa Camp Aguinaldo si Pangulong Marcos para naman sa Change of Command Ceremony ng ng bagong AFP chief of staff.

“Let us continue to conduct our business with utmost integrity and accountability and let us not allow even a hint of dishonesty and abuse to enter into that narrative,” ani Marcos sa kanyang speech. “You are the vanguards of peace. You are and that you set the example of the kind of leaders that we need to overcome the hindrances of today.”