Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan pa ng kanyang administrasyon kung paano matukoy at magamit ang mga idle government na lupain para sa mga proyektong pabahay.
Sa kanyang talumpati, sinabi niya na umaasa siyang makikipagtulungan sa kanila ang publiko at pribadong sektor upang makamit ang kanilang layunin na makapagbigay ng komportableng bahay sa mga Pilipino.
Aniya, mahalagang makipagtulungan sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor upang maisakatuparan ang mga kolektibong hangarin.
Gayundin ang paagtitiyak na ang mga gusali ay matatag, gamit ang kalidad at matibay na materyales mula sa mga ahensya.
Sinabi ng Department of Human Settlements and Urban Development na nilalayon nitong magtayo ng 1 milyong housing units taun-taon hanggang sa katapusan ng termino ni Pang. Marcos sa 2028 upang matugunan ang backlog ng pabahay sa bansa.
Para matamo ito, sinabi rin ni Pang. Marcos na lalagdaan niya na payagan ang gobyerno na gamitin ang lahat ng idle government lands para sa mga proyektong pabahay.
Una ng sinabi ng Malacañang na 16,000 na ektarya ng idle land ang maaaring gamitin para sa nasabing proyektong pabahay.