-- Advertisements --

Sinabi ni Senator-elect at  Rodante Marcoleta na handa siya sa nakaambang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. 

Bagama’t nagpahayag ng kahandaan si Marcoleta, inihayag nitong dapat pag-usapan muna kung itutuloy o hindi ang proseso ng paglilitis, dahil naniniwala siyang may depekto ang pinagbabatayan ng reklamo. 

Giit nito, nakita niya kung papaano inilatag ang reklamo. Mali aniya ang batayan at proseso. 

Si Marcoleta ay nasa ilalim ng “DuterTen” o  Partido Demokratiko Pilipino (PDP) – Laban coalition na inendorso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Nasungkit ni Marcoleta ang ikaanim na pwesto sa senatorial race ngayong eleksyon 2025. 

Sa pagpasok ng 20th Congress, magsisilbi siyang senator-judge sa impeachment trial laban kay VP Sara na posibleng simulan sa Hulyo 30.