-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong Marce habang papalayo sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ang bagyong Marce ay may lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.

Huli itong namataan sa layong 1,400 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang silangan sa bilis na 15 kph.

Samantala, nakataas naman ang thunderstorm alert sa Metro Manila at mga karatig na lugar, kaya posibleng maranasan ang malakas na buhos ng ulan mamayang hapon.

Habang ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Eastern Samar ay nananatiling mahina at maliit ang tyansang maging bagyo.