BUTUAN CITY – Isa na namang bangkay ng rebeldeng New People’s Army o NPA kasama ang tatlong mga high-powered firearms ang na-rekober sa nilisan na hideout sa nasabing grupo matapos ang 15-minutong sagupaan sa bukiring bahagi sa Sitio San Jose, Barangay Durian, Las Nieves, lalawigan sa Agusan del Norte.

Ayon kay Lt. Col. Francisco Molina Jr., commanding officer ng 23rd Infantry Battalion, Philippine Army, nagsimula ang bakbakan pasado alas- 8:05 ng umaga matapos nirespondihan sa tropa ng 23rd Infantry Battalion ang impormasyon sa mga residente kaugnay sa kaliwang grupo.

Tinatayang aabot sa 40 na mga sakop ng SDG CAOCAO, GF4A, North Central Mindanao Regional Command (NCMRC) ang kanilang nasagupa sa ilalim ni Eddie Mangubat na mas kilala sa alyas na “Weds.”

Tumakas ang mga rebelde dahilang nakobkob na ang kanilang kampo kung saan narekober ang bangkay ng isang rebelde kasama ang isang AK-47 rifle, dalawang M16 rifles, apat na mga Laptops, isang generator set, 21 na mga backpacks, dalawang sakong bigas, mga food at medicine supplies, mga subersibong dokumento at mga personal na mga gamit.