Marami ang nalumbay at nagalit matapos ipinagbawal ng China ang mga biyahe para sa Lunar New Year.
Ang Lunar New Year o kilala rin sa tawag na Spring Festival sa China ay ang pinakamahalagang holiday sa Chinese calendar.
Katumbas kasi ito sa Thanksgiving, Christmas at New Year’s Eve.
Naglabas ng bagong rules ang China’s National Health Commission kung saan dini-discourage ang mga tao na bumiyahe.
Lahat naman ng mga uuwi ng China ay kinakailangang mag-produce ng negative COVID-19 test at 14-days na home quarantine.
Iba-iba naman ang panuntunan ng mga local governments sa nasabing bansa.
Dahil dito, marami ang hindi makakauwi sa China na nagmula sa ibang bansa.
Sa Pebrero 12 ang simula ng bagong taon sa mga Chinese. (with report from Bombo Jane Buna)
















