-- Advertisements --

Sinampahan ng kaso ang 47 opposition acitivists sa Hong Kong dahil sa paglabag sa national security law.

Sakaling sila ay mahatulang guilty ay mahaharap ang mga ito ng habambuhay na pagkakakulong.

Ito na rin ang tinaguriang pinakamalaking pagsampa ng kaso mula ng ipatupad ang batas noong 2019.

Karamihan sa mga nasampahan ng kaso ay mga dating mambabatas, aktibista at district councilors.

Inaresto ang mga ito noong nakaraang buwan dahil sa pag-organisa, pagplano at pakikisali sa primary election democratic opposition noong Hulyo.

Bagamat kanselado ang nasabing halalan dahil sa coronavirus ay hindi naman diskwalipikado ang maraming democracy candidates.