-- Advertisements --
Muling umangat ang ranking ni Pinay tennis star Alex Eala sa Women’s Tennis Association (WTA).
Mula sa dating 53 ay nasa career-best na 51 na ito bago ang pagsisimula niya ng singles match ng Hong Kong Open.
Bagamat talo si Eala sa doubles match ng nasabing torneo kasama si Chan Hao-Ching sa round 1 ay naghahanda na ito para sa singles match ngayon araw ng Martes, Oktubre 28.
Makakaharap nito si WTA ranked 79 na si Katie Boulter ng Great Britain.
Nagpasalamat si Eala sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga Pinoy sa Hong Kong.
May ilang nanood aniya na galing pa sa ibang bansa gaya sa Pilipinas at nagtungo sa Hong Kong para panoorin siya.















