-- Advertisements --

Nabigo sa unang round ng 2025 Prudential Hong Kong Tennis Open si Pinay tennis star Alex at Chan Hao-ching ng Taiwan.

Tinalo sila nina Aliaksandra Sasnovich ng Belarus at Russian Kamilla Rakhimova sa score na 6-3, 1-6, 7-10.

Sa unang round ay dominado nina Eala at Taiwan partner subalit bumawi ang katunggali nila pagpasok sa ikalawa at ikatlong roud sa laro na nagtagal ng isang oras at 27 minuto.

Ito na ang pang-anim na Asian tournament ni Eala na nagsimula sa Jingshan, China noong Setyembre.

Magbabalik ang 20-anyos na si Eala sa singles match laban kay Katie Boulter ng Great Britain.