-- Advertisements --

Maraming mga bansa ang nag-alok na maging bahagi ng international security force sa Gaza.

Ayon kay US Secretary of State Marco Rubio, nais ng mga bansa na makasama sa bubuuing taskforce na International Stabilization Force (ISF) .

Dagdag pa nito na kailangan ay maging komportable ang Israel sa mga bansang nais makasama sa International security force.

Aminado ang opisyal na wala ng magiging Plan B sakaling mabigo ang ceasefire deal.

Magugunitang tumugon ang Israel at Hamas sa ceasefire deal na isinusulong ng US.