Bumagal ang manufacturing growth ng Pilipinas noong December 2022.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang volume of production index (VoPI) growth ay nasa 4.8% noong buwan ng Disyembre na mas mabagal sa 5.9 percent noong November at ang 19.2% noong December 2021.
Sinabi ng PSA na ang pagbagal ay dahil na rin sa mas mabagal na annual increments sa manufacture ng transport equipment na mayroong 1.0 percent mula sa dating 14.3 percent noong nakaraang taon.
Ang computer, electronic at optical products sa 21.3 percent mula sa 25.8 percent at basic metals sa -37.5 percent mula sa -29.2 percent.
Naitala rin ang annual growth rates sa walong industry divisions habang ang walong iba pang industry divisions ay nakapagtala naman ng mas mataas na annual growth rates.
Kabilang na rito ang fabricated metal products except machinery at equipment na nakapagtala ng annual growth rate na 52.9 percent noong December 2022.
Ang value of production index (VaPI) ay lumago naman sa 10.1 percent na mas mabagal sa 12.5 percent noong November at 19.6 percent na naitala sa parehong buwan noong 2021.
Lumago rin ang manufacture of transport equipment sa 3.2 percent na mas mabagal sa 20.5 percent noong November habang ang manufacture ng computer, electronic at optical products ay lumago naman sa 24.1 percent na mas mabagal sa 32.3 percent noong nakalipas na buwan.
Habang ang average capacity utilization rate para sa manufacturing sector para sa naturang buwan ay naitala sa 71.6 percent na mas mababa sa 72.6 percent noong nakalipas na buwan.
Nasa 24.3 percent ng establishments na ino-operate sa full capacity o nasa pagitan ng 90 percent hanggang 100 percent, 40.7 percent operated sa 70 percent hanggang 89 percent at 35.0 percent operated na mas mababa sa 70 percent capacity.
Ang pinakahuling figures ay nagdala sa full-year volume of production index (VoPI) growth sa 15.2 percent na mas mabagal sa 52.6 percent expansion na naitala noong 2021 pero ang second year ng expansion matapos ang -40.5 percent noong 2020.
Samantala, ang value of production index (VaPI) ay lumago rin sa 22.5 percent o bumaba mula sa 49.2 percent noong 2021 pero mas mataas sa 43.0 percent contraction noong 2020.