-- Advertisements --

Inatasan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga city government departments at mga opisina sa nasasakupan niya na magpatupad ng 30% capacity sa kanilang opisina.

Ito ang naging desisyon ng mga opisyal ng lungsod ng Maynila para malabanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ng alkalde na ang pagbabawas ng tao sa city ay magsisimula ngayong araw hanggang sa katapusan ng buwan.

Hindi naman kabilang sa magbabawas ng tao ang mga nasa Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Department of Public Services, Manila Traffic and Parking Bureau, Manila Health Department, Manila Department of Social Welfare at lahat ng mga district hospitals.

Mahigpit din ang bilin nito kay Bureau of Permits Director Levi Facundo na umikot para matiyak na nasusunod ang implementasyon ng health protocols sa mga establishimento.

Maging ang mga leaves maliban sa mga medical leaves ng mga kapulisan ng Manila Police District ay ipinakansela ng alkalde.

Mayroo na kasing 1,549 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila kung saa mayroong kabuuang 28,451 ang kaso na mayroong 824 na ang nasawi.