-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pagkalunod ang tinitinggnang anggulo ngayon ng kapulisan matapos matagpuang wala nang buhay ang isang mangingisda sa karagatang sakop ng Prieto Diaz, Sorsogon.

Kinilala itong si Jamil Domiquel, 24-anyos na residente ng Brgy. Diamante.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLt. Julius Averilla, hepe ng Prieto Diaz PNP, natagpuang patay si Domiquel na may nakataling plastic na lubig sa tuhod.

Itinakbo pa ito sa ospital subalit idineklarang patay dahil sa pagkalunod.

Lumalabas sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa live-in partner ng biktima na si Mariz Marzan na dumaranas ito ng migraine o matinding pananakit ng ulo bago pumalaot.

Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin sa hanapbuhay ang biktima hanggang sa matagpuan na wala nang buhay.