Roxas CITY – Patay ang isang mangingisda matapos lamunin ng makina na naghahatak ng lambat ang kanang kamay nito habang nangingisda sa kadagatan na sakop ng Sibuyan Island, Romblon.

Kinilala ang biktima na si Krisanto Bening 53-anyos tubong Masbate ngunit pansamantalang nakatira sa Barangay Libas, Roxas City.

Sa interview ng Bombo Radyo kay Mario Acer, kapitan ng bangkang “Nene Dardee” habang hinahatak ng biktima ang lambat ay aksidente na lamang naipit ang kamay nito sa parte ng makina.

Sinubukan pa ni Acer na pahintuin ito ngunit hindi na ito tumigil at tuluyan na naipit ang kamay ng biktima.

Sa ngayon nasa punerarya na ang bangkay ng naturang biktima.